Good Manners and Right Conduct (GMRC 5)
Basic Education

Ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao/EsP o GMRC na alinsunod sa K to 12 curriculum ay naglalayon na maipamalas ng mag- aaral ang pag- unawa sa masusing pagsusuri sa pagpapahayag, pagganap ng tungkulin na may pananagutan at pagsasabuhay ng mga ito tungo sa masaya, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa sarili/ mag-anak, kapwa/ pamayanan, bansa/ daigdig at Diyos.