Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
Ang kursong ito ay higit na pagpapalawak ng kaalaman at lalo pang pagpapataas ng antas na kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pagsasagawa ng pananaliksik. Ang kursong ito ay nagpapaunlad sa kasanayan sa mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik mula sa pangangalap ng datos hanngang pagsulat ng borador ng pananaliksik na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad o lipunang Pilipino at mga usapin hinggil sa mga mamamayang Pilipino