KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Bachelor of Arts in Psychology (BAPSYCH)

Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

FILIPINO SA IBA'T IBANG DISIPLINA
Bachelor of Arts in Psychology (BAPSYCH)
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t
ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng
mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kurson ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit
ang mga makabuluhang panananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsuran ng pagsasagaw a ng
pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa
publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng
mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng
kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, particular sa presentasyon ng pananaliksik sa
iba’t ibang porma at venue.
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
Bachelor of Arts in Psychology (BAPSYCH)

Ang kursong ito ay higit na pagpapalawak ng kaalaman at lalo pang pagpapataas ng antas na kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pagsasagawa ng pananaliksik. Ang kursong ito ay nagpapaunlad sa kasanayan sa mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik mula sa pangangalap ng datos hanngang pagsulat ng borador ng pananaliksik na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad o lipunang Pilipino at mga usapin hinggil sa mga mamamayang Pilipino

Kontekstwalisandong Komunikasyon sa Filipino